Sa pagdaan ng mga araw, ninanais ko na makapiling ang aking inay. Tumatakbo ang panahon na hindi ko namamalayan and pag tanda ni Nanay. Dati rati, mabilis siyang kumilos. Ngayon ang bawat hakbang niya ay nangangailangan ng buong lakas.. Ayaw ko siyang mawala na di ko naipapakita ang aking pag-aaruga… pagkalinga… pagmamahal…
Tuwing biyernes ng hapon, nagmamadali akong pumunta sa bus station patungong Laguna. Kahit napila at nakakapagod, tinitiis ko para makauwi ako at mapasalubungan ng paboritong Mamunluk siopao si Nanay. Napunta pa ako ng Quezon City para bumili. Matagal na kasing sarado and branch ng Manunluk sa Quiapo. Dahil nagtitipid ako at para na rin sa kalikasan, nag bubus ako. Di ko ginagamit an gaming sasakyan. Tutal naman, nag-iisa lang ako. Mas tipid.. libre driver pa…
Buti na lang, puno agad ang bus. Sa ganap na alas dos ng hapon, binabagtas ko na ang kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX). Ewan ko ba, karaniwan kasi tulog ako. Sa ngayong pagkakataon, mulat na mulat ang aking mata at pinagmamasdan ang kahabaan ng SLEX. Haayyy. Ngayon ko lang napagmasdan, napakarami ng pagbabago. And dating luntiang palayan, aba’y theme park na… bahayan… gasolinahan… may skul…. Lalo na ng binagtas naming ang SLEX Calamba papuntang Sto. Tomas. Ala eh kay daming nasirang puno… parang disyerto sa gitna ng bundok… talagang kakaiba… Oo nga naman.. Sa ngalan ng pagbabago, kahit masira ng walang pakundangan ang kapaligiran at tirahan ng mga hayop at insekto. Sa totoo lang, inaabangan ko na may makita akong uwak o kaya ay tagak. Naku po… wala akong makitang lumilipad sa palayan. Pero may mangilan ngilan ng maya… Eto pa lang yung nakikita ko … eh paano na yung mga natural inhabitant ng lugar. Di kaya sila na displace at may bagong ng uri o species ng mga insekto at ibon? Kung nasira ang kanilang tirahan, may bago na bang tumira.? Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko.
…. May pag-aaral bang ginawa tungkol dito?
…. May follow up studies ba?
…. May inventory at monitoring ba ng species?
… May mitigating measures ba?
… Kung nasissira ang kapaligiran, ano eng epekto nito sa kultura?
Ewan di ko masagot. Nagmumuni habang ng hmmmnnn ako ng sikat na kanta ng Asin --- Masdan mo ang Kapaligiran. Di ko namalayan at nakatulog na ako… At nagising sa sigaw ng konductor ---- San Pablo Na , San Pablo… Home sweet home na pala ako… Makikita ko uli si Nanay. Hapi Yipee Yehey!
No comments:
Post a Comment